Wednesday, November 28, 2018



Ang wikang filipino  ay nag sisimbolo sa ating pagka pilipino .Dapat nating ipagmalaki ang ating sariling wika at dapat hindi natin ikahiya.Isang karangalan sa ating mga pilipino Na magkaroon ng sariling wikang pambansa.Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino
Ipagmalaki ang sariling wika,Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito. Bumabalik tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabuo ang Wikang Filipino. Maraming mga gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang. May iba’t-ibang patimpalak isa na rito ang tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang ito mas naiintindihan nating mga Pilipino ang kahalagahan ng Wikang Filipino

Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang nangunang maghubog ng Wikang Pambansa na Wikang Filipino. Marami tayong wika dito sa bansa katulad ng Cebuano, Boholano, Ilocano ,Tagalog, at iba pa. Marami tayong iba’t-ibang wika dahil sa archepilagong hugis ng ating bansa . Layu-layo ang mga lugar at isla na bumubuo nito . Hindi madali ang kay Mannuel L. Quezon at iba pangtagapamahala ng gobyerno na pumili at nagtalaga nang ating sariling Wika dahil maraming hindi desidido at hindi sang-ayon dito. Hanggang nakapagdesisyon na ang madla na nang magiging Wikang Pambansa ay ang Wikang Filipino.

No comments:

Post a Comment